may dalawang uri ng pag hihintay
una nag aantay sa pag babalik ng kanilang minamahal
pangalawa ay nag aantay para sa wala
meron akong anu? (meron akong kwento) !
Meron akong taong inaantay na ngayon taon na ay kala ko'y babalik
isang taong mahalaga sa aking buhay, isang taong nag bibigay inspirasyon sa aking buhay
at isang tao na lage tumutulong sa aking mga problema, at gumagabay mula sa tuwid na daan (NOYNOY??)
ang akala ku ay babalik sya sa ika 18 kaarawan ko sa abril ngunit nagkaroon ng aberya dahil sa kamahalang ticket mula sa eroplano.Ako ay naliwanagan dahil sa totoo nga namang mahal ang pambayad kung sila ay babalik lahat mula sa Ohio California patungo Pilipinas lalo pa at mahirap ang klima ngeon sa bansang iyon.Isang araw sya ay nag paliwanag muli sa akin sa pamamagitan ng facebook chat at ang sabi nya ay "baka sa MAY or by SEPTEMBER kame makauwe jan" nainis aku kasi nangako sya sakin na uuwe sya dun sa araw na pinaka importante saken pero sinubukan ku nanaman intindihin pero pilit na nararamdaman ng aking damdamin ay galit at inis dahil sa lage nalang pangako pero mukang di naman natutuloy, alam ko may dahilan na kailangan intindihin dahil para din naman samen pero marame gumugulo sa aking munting isipan. angaking mga tanong: "HANGGANG KAILAN?" hanggang kailan aku mag hihintay mula sa pag babalik mo?, kailan kaya kita ulit makikita at makakasama?, hanggang boses at chat nalang ba?, mahihintay mu din kaya ko?. Gusto ko maliwanagan sa lahat, sa lahat ng mga tanong na gumugulo sa aking isipan.
yan lang at wala na !
blogger : kate
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento