- Ans Storya sa Likod ng Matagumpay naming Panonuod:
(5;30 na’ uwian na! Yehey!!)
In Hurry Potter kaming dalawa’ nag Mrt kami dahil baka maubusan kami ng ticket. Nakipagsiksikan kami dahil nga ang daming tao sa Mrt! (eto matindi) Dumating na kami sa Megamall, 3rd floor Cinema 3. Andun na ee! HINARANG PA NG GUARD! Tinanong nya kung member kami ng kahit anong org ng Nestle Phil, dahil hindi daw pede manuod ang hindi member. Hala ka! Eh hindi naman kami member ee! Nanghina kaming dalawa, hindi makagalaw/makalakad, natulala sa mga naakya’t baba sa hagdang sosyal at mangiyak-ngiyak ang itchura. Dahil tinangihan pa namin ang offer na mag OT sa ojt kaylangan na kaylangan namin para lang dito. Tapos nakalagay pa sa tarp ng Nestle “Watch it' or wait another 100 years” –damn! Nakakaasar! Sa asar namin naisipan nalang naming magikot-ikot para lang malibang kami at kumain. Mag 8pm na ng matapos kaming kumain’ nag desisyon kaming umuwi na, pero bago un’ nag desisyon din kaming dumaan muna sa Cinema para sumimoy sa mga kaganapan. :D
(Sisimoy na sa Cinehan!)
Malapit na kami, natatanaw na namin yong mga Guard na gusto naming upakan sa sama ng loob. Tuloy pa din kami sa paglalakad na kunyari walang malay. Tapos may tatlong naka itim na tinawag kami’ sabi, “ate..ate..pede na pong pumasok! Libre po!” ... ahmnnnn..(pa hard to get kunyari). Sa loob namin’ eto na! Kaya dali dali kaming pumasok at naglakad sa red carpet RED CARPET!! J (piling artista ang mga bakla ee!) Ayun na’ inspeksyon na ng bag at hinanapan kami ng ticket’ e wala naman binigay samin yong tatlo sa labas, pasok lang daw kami! Itchura na naman naming dalawa! Binalikan agad namin yong mga nakaitim, binigyan naman kami. Sadyang excited lang yong paa namin ni Angel! :D
TICKET for free ! :)
(Pagpasok at Paglabas)
Pagpasok namin, dun kami papunta sa taas kahit Balcony yong ang para sa mga simpleng mamamayan. :D Eh may baong Charm ang mga bakla’ pumayag na sa taas kami umupo kasama ang mga bigatin! Haha. Dun pa kami sa Upuan ng PRESS people! Sosyal! Saktong sakto lang ang pag dating namin, inaacknowledge na ang pag dating ng mga artista. (pero di kami kasama dun aa’ simpleng tao lang kame ee :)). Then after nun’ nagsimula na ang palabas. (hindi na ko magcocoment sa mivie dahil masyadong hahaba ang storyang to!hehe). Nang matapos na’ balak naming habulin si John Loyd para magpapicture, ee masyadong mabilis at ang daming body guard. Ayon’ di nalang namin hinabol. Paglabas namin, may dalawang pila kaming nakita, pila naman kami agad kahit di namin alam’ ayon pala namimigay ng product ng Nestle at Alpo(Dog food). Syempre papahuli ba kami? J Paghawak namin sa plastic e tuwang tuwa kami! Worth the Effort talaga! Ang daming laman ng plastic, tuwang-tuwa kami dahil ang laki ng MILO! :D yong kay angel walang milo’ balik kami para papalitan e! (Demanding!) At dito na nagtatapos ang kwento! Haha! SHARE LANG! ;)
Ang saya talaga namin! Wew! Thanks God!
punit-punit yong ticket dahil pinupunit nila pag papasok at pag kukuha ng mga libreng products ! :)
BY: janine corillo (a student of LYCEUM UNIVERSITY in CAVITE)
blogger -katie-
BY: janine corillo (a student of LYCEUM UNIVERSITY in CAVITE)
blogger -katie-
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento